Nanay, hindi matanggap ang pagkamatay ng anak sa 'Magpakailanman'

Kuwentong ng matinding pagsubok ng isang ina ang tampok sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Pinamagatang "Ang Inang Iniwan," tungkol ito sa inang ipinagluluksa ang kanyang anak.
Iiwan ni Glenda (Janice de Belen) ang kanyang abusive husband at magsisimula ng bagong buhay kasama ang mga anak na sina Michael (Bryce Eusebio) at Joyce (Angela Alarcon).
Sa bago nilang tirahan, magkakaroon ng girlfriend si Michael na lubos niyang mamahalin. Hihiwalayan siya nito, ito ang magtutulak na magpatiwakal si Michael.
Hindi matanggap ni Glenda ang sinapit ng anak dahil marami siyang matatayog na pangarap para dito.
Paano magagawang mag-move on ni Glenda?
Abangan ang brand-new episode na "Ang Inang Iniwan," February 15, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






