Nanay na motorycle rider, marami pang haharaping pasubok sa 'Magpakailanman'

Nagpapatuloy ang 22nd anniversary special ng real life drama anthology na Magpakailanman.
Pinamagatang "Adventures of Nanay Rider," ito ang pangalawang bahagi ng kuwento ng "My Nanay Rider" na napanood noong nakaraang Sabado.
Ipinagpapatuloy rito ang kuwento ni Theresa, isang nanay na naging motorcycle rider para sa kanyang pamilya.
Nagbabadya ang isang trahedya na maglalagay sa kanyang pamilya sa kapahamakan at maaaring umubos sa lahat ng ipinundar niya.
Abangan ang 22nd anniversary special at brand-new episode na "Adventures of Nanay Rider," December 14, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






