Nanay na strikto, pinaglilihiman ng anak sa 'Regal Studio Presents: Single Mommies and Me'

Makaka-relate ang mga taong may strict parents sa bagong episode ng weekly anthology series Regal Studio Presents.
Pinamagatang "Single Mommies and Me," kuwento ito ng recent college graduate na si Kaila (Vanessa Peña).
Sobrang strikto ng nanay ni Kaila na si Risa (Matet de Leon). May curfew na dapat sundin si Kaila at bawal din itong mag-boyfriend.
Lahat ng patakarang ito ay dahil sa takot ni Risa na matulad sa kanya ang anak. Single mom kasi si Risa, at single mom din si Mamu Cita (Evelyn Santos), ang lola ni Kaila.
Paano matututo sa buhay si Kaila kung lagi siyang pinagbabawalan ni Risa?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "Single Mommies and Me," December 8, 4:15 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari din itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:






