Nanay, papasukin ang trabahong panlalaki sa 'Magpakailanman'

Kuwento ng isang nanay na nagsisikap para sa kaniyang pamilya ang tampok sa bagong episode at pangalawang 22nd anniversary special ng Magpakailanman.
Pinamagatang "My Nanay Rider," ito ang unang bahagi ng special two-part episode na pagbibidahan ni Aiai Delas Alas.
Kuwento ito ni Theresa na papasukin ang trabahong itinuturing na panlalaki. Para maitaguyod ang kaniyang pamilya, magtatrabaho siya bilang isang motorcycle rider.
Bakit nga ba naging nag-iisang breadwinner si Theresa?
Abangan ang 22nd anniversary special at brand-new episode na "My Nanay Rider," December 7, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






