Nancy Castiglione, binalikan ang buhay showbiz at ang dahilan kung bakit siya umalis

May 10 taon naging parte ng entertainment industry ang dating aktres na si Nancy Castiglione bago niya tuluyang iniwan ito. Kaya naman, sa pagbisita niya sa Fast Talk with Boy Abunda, ibinahagi ni Nancy ang totoong dahilan kung bakit siya umalis.
Sa episode ng naturang show GMA Afternoon Prime talk show nitong November 4, binalikan ni Nancy at King of Talk Boy Abunda ang naging karera ng actress-TV host. Kabilang na dito ang pagiging host niya sa reality talent competition na StarStruck at bilang parte noon ng Encantadia.
Ani Nancy, may ilang taon na nang huli siyang tumapak sa GMA Network at inaming marami siyang nararamdaman sa pagbabalik niya sa kaniyang home network.
“Ang dami kong big feelings ngayon. Unang-una, kasama ko 'yung anak ko, bunso ko, so it's very special na to come back for the first time and have my daughter here with me,” sabi ni Nancy.
Alamin ang kwento ni Nancy, at ang dahilan kung bakit niya iniwan ang showbiz sa gallery na ito:









