Nawawala ang winning ticket sa 'Regal Studio Presents: Winner Winner, Siomai Dinner'

Usapang swerte ang matutunghayan sa brand-new episode ng weekly anthology series Regal Studio Presents.
Pinamagatang "Winner Winner Siomai Dinner," kuwento ito nina Wesley at Jaja na mananalo sa lotto.
Isang maliit na siomai cart ang pinagkakakitaan ng mag-asawa. Gusto ni Wesley na madadagdagan ang kanilang kita lalo na at buntis si Jaja.
Mahilig tumaya sa lotto si Wesley sa pag-asang mabilis na magkaroon ng malaking halaga ng pera--bagay na tinututulan ni Jaja.
Darating ang swerte sa mag-asawa nang makita ni Wesley na nanalo ang kanyang mga numero. Pero kaakibat nito ang kamalasan dahil nawawala naman ang winning ticket niya.
Makukuha pa ba nina Wesley at Jaja ang pera?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "Winner Winner, Siomai Dinner," January 19, 4:15 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari din itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:






