'NBSB' na shoe designer, pag-aagawan ng dalawang manliligaw sa 'Regal Studio Presents: I Shoes You'

Para sa mga taong NBSB o no boyfriend since birth ang bagong episode ng weekend anthology series na 'Regal Studio Presents.'
Pinamagatang "I Shoes You," tungkol ito sa shoe designer at shoe factory owner na si Ella.
Never pang nagkaroon ng boyfriend si Ella dahil sa mataas na standards nito.
May lihim na pagtingin sa kanya ang kababata at shoe maker sa factory na si Prince pero hindi nito magawang magtapat kay Ella.
Darating naman sa buhay ni Ella si King, isang prospective business partner na magkakaroon ng interes hindi lang sa kanyang negosyo kundi sa kanyang puso.
Sino sa kanila ang dapat piliin ni Ella?
Abangan ang brand new episode na "I Shoes You," July 23, 4:15 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'
Tunghayan ang simulcast nito sa GMA at GTV o kaya ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






