Netizens, aprub na aprub ang pelikulang 'That Kind of Love' nina Barbie Forteza at David Licauco

Pinuno ng netizens ng kanilang reactions ang iba't ibang social media sites matapos mapanood sa red carpet premiere kagabi, July 4, ang 'That Kind of Love,' ang pelikula nina Barbie Forteza at David Licauco.
Trending din sa X (dating Twitter) ang mga pangalan nina Barbie Forteza at David Licauco, pati na rin ang bansag sa kanilang loveteam na 'BarDa,' at ang titulo ng kanilang pelikula na 'That Kind of Love.'















