Netizens react to the Nadine Lustre, James Reid, and Issa Pressman controversy

Nakakuha ng iba't ibang reaksyon sa social media ang statement ni James Reid sa estado ng relasyon nila ni Issa Pressman.
Nitong March 17, nagsalita si James para tuldukan ang mga issue sa kanila nina Issa at ng kanyang ex-girlfriend na si Nadine Lustre. Ito ay matapos nilang ilabas ang kanilang sweet photos mula sa ginanap na Harry Styles: Love On Tour 2023 concert noong March 14.
Matatandaang nagkaroon ng usap-usapan noong 2020 na si Issa ang naging third party umano sa hiwalayang James at Nadine.
Narito ang ilang mga komento ng netizens:






