New Clashers at Clashbackers, may instant showdown sa 'The Clash 2025' mediacon

Opisyal nang nagsimula ang bagong season ng GMA singing competition na 'The Clash 2025' noong Linggo, June 8.
Sa pilot episode ng programa, ipinakilala na ang dalawang grupo na maglalaban-laban sa kompetisyon: ang New Clashers at Clashbackers.
Ito na nga ang itinuturing na biggest twist sa kasaysayan ng 'The Clash' dahil, sa unang pagkakataon, nagbabalik ang ilang past Clashers mula isa iba't ibang seasons para subukan muling masungkit ang titulong Grand Champion.
Matapos mabunyag ang first big surprise of the season, pormal silang ipinakilala sa media conference ng 'The Clash 2025' na ginanap ngayong Miyerkules, June 11, sa Zenith Hall ng Luxent Hotel sa Quezon City.
Nagpakitang gilas ang New Clashers at Clashbackers sa press at media matapos silang magkaroon ng instant showdown sa nasabing event.
Narito ang pasilip sa mediacon ng 'The Clash 2025.'










