New look ni Terrence Romeo, kinagiliwan ng netizens

Balik-training na ngayon ang tinaguriang “Bad Boy ng Basketball” na si Terrence Romeo matapos ang ilang taong pagpapahinga at pagpapagaling ng kanyang mga naging injuries.
Si Romeo ay kabilang muli sa national basketball team na Gilas Pilipinas na lalaban para sa 19th Asian Games na gaganapin sa Hangzhou, China.
Sa pagbabalik ni Romeo, hindi lang ang kanyang recharged energy sa basketball ang napansin ng ilan kung 'di ang kanyang new look at hairstyle.
Sa social media, mabilis na kumalat ang ilang larawan at video ni Romeo sa unang araw ng kanyang training.
“New haircut na ang aking Golden boy!! @tbvromeo Parang bumalik ang hs fangirl self ko. Ily since 2013 #TerrenceRomeo,” sulat sa post ng isang fan.
New haircut na ang aking Golden boy!! @tbvromeo
-- Nurse Jec ☤ (@jecanadon_rn) September 16, 2023
Parang bumalik ang hs fangirl self ko.
Ily since 2013 #TerrenceRomeo pic.twitter.com/uJYn570p5Q
“Ang gwapo ni Terrence Romeo sa gupit niya ngayon sheesh,” post din ng isang fan.
Dagdag pa ng isang netizen, “Hoyyy! crush na crush ko before si Terrence Romeo. Tapos now ang gwapo niya lalo?”
Samantala, bukod kay Terrence, balik-Gilas Pilipinas na rin ang kapwa niya basketball player na si Calvin Abueva.
Kilalanin pa si Terrence Romeo sa gallery na ito:





