Fast Talk with Boy Abunda
Newlywed Carla Abellana pokes fun at her previous, short-lived marriage: 'Mabi-beat ko na po ang sarili kong record'

Kitang-kita ang saya sa mukha ni Carla Abellana ngayong kasal na siya sa kanyang sa non-showbiz husband na si Dr. Reginald Santos.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, sinabi ni Carla na looking forward na siya ngayon sa buhay niya bilang married woman.
Sabay biro pa niya, "Nagjo-joke nga po ako, so far we're married two weeks. Konti na lang mabi-beat ko na po yung record ko dati na seven weeks! Kung dati nagtagal seven weeks lang, ngayon, five more weeks, mabi-beat ko na po ang sarili kong record."
Sa kuwentuhan nila ni Boy Abunda, binalikan din ni Carla ang naging love story ng nila ni Dr. Reginald, na una niyang naging boyfriend noong high school.
Alamin ang kuwento ng pag-ibig nina Carla at Reginald sa gallery na ito:









