Nikko Natividad at Zeus Collins, binalikan ang buhay bago maging miyembro ng Hashtags

Unang nakilala sina Nikko Natividad at Zeus Collins bilang mga miyembro ng boy group na Hashtags sa It's Showtime. Ngunit bago na nito, marami munang pinagdaanan ang mag-best friend.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, July 25, ibinahagi nina Nikko at Zeus ang kanilang kuwento bago sila naging miyembro ng naturang grupo. Kwento ni Nikko, nu'ng nag-audition siya ay hindi niya alam na magsasayaw siya.
“Nanalo ako sa Showtime ng “Gandang Lalaki,” so siguro meron akong record, siguro meron akong phone number du'n, nag-text na pumunta ka ng ABS (CBN) so hindi sinabing audition. Pagpunta ko ng ABS, biglang pinagsayaw ako,” sabi ni Nikko.
Pag-amin niya, hindi naman talaga siya mananayaw kaya namang hiyang-hiya siya noon nang mag-audition.
Pagbabahagi naman ni Zeus, paglabas niya noon ng Pinoy Big Brother: 737 Edition ay inalok na kaagad siya ni Direk Lauren Dyogi na maging miyembro ng isang boy group.
“'Yun, nagulat ako dahil paglabas na paglabas ko ng PBB, merong trabaho agad na ino-offer so sabi ko, 'Sige po, kahit anong grupo po 'yan, basta may trabaho.' So napasok po ako du'n,” sabi ni Zeus.
Alamin kung ano nga ba ang pinagdaanan nina Nikko at Zeus bago ang kani-kanilang pagpasok sa naturang dance group sa gallery na ito:










