News

Niño Muhlach, naaksidente ang kotseng minamaneho, isa ang sugatan

GMA Logo Nino Muhlach vehicular accident
Source: oninmuhlach (IG), 24 oras

Photo Inside Page


Photos

Nino Muhlach vehicular accident



Nasangkot sa isang aksidente kamakailan lang ang sasakyan na minamaneho ng aktor na si Niño Muhlach. Ayon sa mga nakakita, nangyari ito nitong Linggo, August 23.

Ayon sa report ng 24 Oras, Lunes, August 24, tatlong establisimyento ang tinamaan ng sasakyan ng aktor, kabilang na ang isang paresan, kung saan naapektuhan at nasugatan ang isang taong kumakain doon.

Dinala naman agad sa pinakamalapit na ospital ang nasugatan at sinagot na umano ni Niño ang pagpapagamot nito.

Nabangga rin ang isang nakaparadang motor na pumailalim sa sasakyan ng aktor.

Ayon sa pulisya, papunta sana sa Masinag ang aktor nang makaranas ng problema sa makina ang kaniyang sasakyan, dahilan para mawalan ng kontrol si Niño.

Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng pahayag si Niño Muhlach tungkol sa naturang aksidente.

Pero nakipag-areglo na umano ang aktor ang mga may-ari ng mga apektadong establisimyento.


RELATED CONTENT: Celebrities who survived terrifying car accidents and lived to tell
their tales


Eddie Gutierrez
Annabelle Rama
Richard Gutierrez
Richard accident
Vandolph Quizon
Vandolph's accident
David Licauco
David's accident
Diether Ocampo
Diether's accident
Doc Luna   
Luna's accident
Jan Manual
Jan's recovery
Kim delos Santos
Zephanie
Zephanie's car
Sarah Lahbati
Jaya
Jaya accident
Andrew Gan=
Andrew's accident
Bangs Garcia
Bangs close one
Lyn Ching
Lyn accident
Bea Borres
Bea Borres's car
Maria Isabel Lopez
Maria Isabel incident

Around GMA

Around GMA

DOJ pressed over P1.5-B confidential funds in 2025; Vida says funds fully liquidated
Maestra sa Danao City, Nag-sorry sa Comment sa Social Media Batok USEC Castro | Balitang Bisdak
Moonstar88 reflects on their much-anticipated comeback