News
Ninong Ry, muling naapektuhan ng baha

Maging ang chef at sikat na food content creator na si Ryan Morales Reyes, o mas kilala bilang Ninong Ry, ay hindi nakaligtas sa pagbaha dala ng walang tigil na ulan bunsod ng habagat.
Sa kanyang Facebook post ngayong Martes, July 22, ipinakita ng social media personality ang sinapit ng kanyang bahay matapos pasukin ng tubig. Kabilang na rito ang kanyang kusina kung saan siya karaniwang nagshu-shoot ng content.
Bagamat muling nalubog sa baha ang kanyang bahay, nananatiling positibo si Ninong Ry. Aniya, "Heto na naman tayo. Stay safe mga inaanak. Makakaahon din tayo. Laban lang."
Ipinakita rin niya ang resulta ng habagat sa ilang bahagi ng kanilang lugar sa Malabon.