NIXI, mas magaling nga ba sa YUMI?

Patindi na nang patindi ang kompetisyon sa pagitan ng dalawang P-Pop girl groups ng 'Born to Shine' na YUMI at NIXI. Maging ang fans online, nagkakaroon na rin ng diskusyon kung aling grupo nga ba ang dapat tingalain ng mga manonood.
Ang YUMI ay ang orihinal na grupo ni Jeni, na ginagampanan ni Zephanie. Binubuo na ito ngayon nina Megan (Olive May), Alfea (Naya Ambi), Yuna (Mitzi Josh), at Nancy (Gaea Mischa). Ang NIXI, ang orihinal na grupo ni Megan, ay binubuo ngayon nina Kendall (AC Bonifacio), Gabby (Chloe Redondo), Tiffany (Aliyah De Gracia) at Lexi (Golden Cañedo).
Sa pagbisita ng NIXI sa Fast Talk with Boy Abunda noong Martes, August 18, ibinahagi ng grupo kung paano nga ba naging mas magaling ang NIXI kaysa sa YUMI.
Alamin ang masasabi nina AC, Chloe, Aliyah, at Golden tungkol sa rivalry sa pagitan ng NIXI at YUMI sa gallery na ito:









