advertisement
Showbiz News

Nova Villa at Ces Quesada, naging emosyunal nang i-dub ang Korean movie na 'Picnic'

1 of 6

Nova Villa

Ayon kay Nova Villa, hindi lang basta pagda-dub ang kanilang ginawa para sa Filipino-dubbed Korean movie na 'Picnic.' Inalam din daw nila ang kultura ng mga taga-South Korea para mabigyan ng tamang reaksiyon sa boses ang kanilang gagawin.

2 of 6

Ces Quesada

Excitement ang naramdaman ng veteran actress na si Ces Quesada nang malamang isa siya sa magsasalin sa Filipino ng Korean movie na 'Picnic.' Fan daw kasi talaga siya ng mga Koreanovela.

3 of 6

Bodjie Pascua

Binigyang boses ni Bodjie Pascua ang karakter na ginampanan ni Park Geun-hyung sa pelikulang 'Picnic.'

advertisement
4 of 6

Fyang Smith

Si Fyang Smith ang nagbigay boses sa batang Eun-sim.

5 of 6

JM Ibarra

Binigyang boses ni JM Ibarra ang karakter ni Tae-ho sa Filipino-dubbed na South Korean movie na 'Picnic.'

6 of 6

Nathan Studios

Ang Filipino-dubbed na South Korean movie na 'Picnic' ay Mother's Day offering ng Nathan Studios Inc. Ang executive nito at aktres na si Sylvia Sanchez (pang-apat mula sa kaliwa) ang pumili sa magkaibigang sina Nova Villa at Ces Quesada para maging voice actor sa lead characters ng pelikula.

advertisement

Around GMA