Nurse Even, ikinasal na!

Inanunsyo ng medical content creator at professional nurse na si John Steven Soriano o mas kilala bilang Nurse Even na ikinasal na siya sa kaniyang fiancé na si Paul.
Noong Abril, ibinahagi ni Nurse Even a.k.a Kunars na engaged na siya sa kaniyang partner for five years.
Kamakailan din, masayang ibinahagi rin niya na sa isang vlog na nagbiyahe papuntang United Kingdom ang kaniyang mga magulang para sa kasal.
Sa Facebook post ni Kunars, ibinahagi niya ang ilang highlights ng kaniyang wedding at sa captions sinulat niya, “Sa hirap at ginhawa.”
RELATED CONTENT: MEET NURSE EVEN
Lumipad rin papuntang UK ang content creator at kaibigan ni Nurse Even na si Doc Alvin para masaksihan ang kaniyang kasal. Noong November 2024, umuwi naman ng Pilipinas si Kunars para umatted sa wedding ni Doc Alvin sa kaniyang fiancée na si Maki Bondoc sa Shrine of St. Thérèse of the Child Jesus sa Pasay City.
Nakakaaliw naman nagpasalamat si Kunars na pumunta ng personal si Doc Alvin para sa kaniyang kasal.
Hirit niya sa guwapong doktor, “Ikaw parin ang laman nitong puso ko Doc. Nagkataon lang na na-total na namin ang utang namin. CHAROT! Maraming salamat Doki! Labyu so much!!”
“At least makakabayad na ng utang. So happy for you!” reply naman ni Doc Alvin.
Source: Doc Alvin (FB)
Tingnan ang highlights ng wedding nina Kunars at Paul sa gallery na ito!









