Ogie Diaz, nagsalita na; humingi ng pasensya sa reporters na tumatawag sa kanya

Humingi ng pasensya ang talent manager at entertainment reporter na si Ogie Diaz sa mga reporters na nag-message sa kanya at naghihintay ng kaniyang komento.
Ito ay matapos na magsampa ng kasong cyber libel ang Widow's War star na si Bea Alonzo laban sa kaniya at kay Cristy Fermin.
Sinampahan rin ng aktres ang isang online basher na nagpapanggap na malapit umano sa kaniya, at sinabing “mali, malisyoso at mapanirang impormasyon” ang sinasabi tungkol sa kaniya.
Sa Instagram story post ni Ogie, humingi siya ng pasensya sa reporters na tumatawag “para maging balanse ang kanilang report.”
“Naiintindihan ko kayo kung nginangarag kayo ng news desk o ng editors nyo. Makakarating din naman sa amin 'yan para sagutin sa takdang panahon,” sabi niya.
Sa huli, sinabi ni Ogie na ayaw niyang “magpakaplastik” at isinambit na, “Tulad ng lagi naming hinihirit sa Ogie Diaz Showbiz Update, sila pa rin ang gusto naming magkatuluyan sa ending.”
Source: ogie_diaz/IG
Matatandaan na umugong ang bali-balita na hindi na tuloy ang kasal ni Bea kay Dominic Roque sa pag-uumpisa ng 2024. Kalaunan naglabas na rin ng joint statement ang dalawa na kumumpirma dito.
Samantala, balikan ang relationship timeline nina Bea at Dominic sa gallery na ito.
















