Ogie Diaz nang malaman na tatakbo si Diwata: 'Naloka nga ako dun bakit ka pumayag na 4th nominee ka'

GMA Logo ogie diaz and diwata
Source: Kapuso Mo, Jessica Soho (YouTube)

Photo Inside Page


Photos

ogie diaz and diwata



Marami ang nagulat nang pumunta ang vlogger at businessman na si Diwata o Deo Balbuena sa totoong buhay sa Commission on Elections (Comelec). Isa pala siya sa mga nominee ng party-list group na Vendors Party-list.

Related Gallery: Online personalities na tatakbo sa Eleksyon 2025

Nagsumite ang naturang grupo ng certificate of nomination of acceptance (CONA) para sa 2025 elections noong Miyerkules, October 2.

Kaya naman inulan ng komento at tanong ang showbiz vlogger na si Ogie Diaz tungkol sa naging desisyon na ito ni Diwata na nasa likod ng sikat na Diwata Pares Overload.

Sa latest vlog niya na “Ogie Diaz Showbiz Update”, sinabi ng talent manager na: “Ang dami nagtatanong sa akin, ano raw maiko-comment ko, masasabi ko dito sa pag-file ni Diwata (o Deo Balbuena) ng kandidatura bilang fourth nominee sa isang partylist na kaniyang pino-promote o ine-endorse.”

Tanong ni Mama Loi, “Ayun nga, ano raw masasabi mo?”

“Wala! Naloka nga ako dun bakit ka pumayag na fourth nominee ka,” tugon ni Ogie.

Muling tanong ni Loi, “Ano ba ibigsabihin nun 'pag fourth nominee ka. Kailangan maka-ilang boto?”

Paliwanag naman ni Ogie, “Siyempre dahil baguhan 'yung paryt-list na ito ni Diwata. Jackpot na kung maka-isang seat sila. 'Yung isang seat na 'yun, e pang-fourth siya.”

“Hindi nga siya makaka-upo dahil tatlong upuan lang ibibigay sa isang party-list. Oo, kaya maghihintay pa siya [kunwari] 'yung isa dun mag-resign o 'yung isa dun matigok. Kung makakatatlo silang upuan ah.”

Related Gallery: These celebrities are running in the 2025 elections

Sa ulat ng GMA News Online noong May 2022, ipinrokloma ng Comelec na ang Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support (ACT-CIS) ang nag number one sa party-list election.

Dahil dito nakakuha ang ACT-CIS ng tatlong seat sa Kongreso.

Sa huli sinabi ni Mama Ogs, “Anyway good luck Diwata at sana e, alam mo 'yung pinapasok mo noh.”

KILALANIN SI DIAWATA SA GALLERY SA IBABA


Samar
Education
Raketera
Construction Worker
Rampa sa presinto
Diwata
Beautiful
Miss Q and A
Diwata Pares Overload
Asensado
KMJS
Vloggers
Diploma o Diskarte?

Around GMA

Around GMA

Most parts of PH to see cloudy skies, rain due to 3 weather systems
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays