Bago ang nalalapit na pagtatapos ng intense drama series na House of Lies, balikan natin ang kulitan at bonding moments ng cast sa set ng serye.
Silipin sa gallery na ito ang taping photos nina Beauty Gonzalez, Mike Tan, Martin Del Rosario, Kris Bernal, at marami pang iba.
Kaabang-abang ang very challenging na role ni Beauty Gonzalez sa House of Lies.
Ang aktor na si Mike Tan ang madalas na makakaeksena ni Beauty Gonzalez sa serye. Isa rin siya sa lead stars nito.
Tila enjoy na enjoy sa set ng House of Lies ang mga aktres na sina Beauty Gonzalez at Gee Canlas.
Group picture muna habang naka-break sa taping sina (mula sa kaliwa) Direk Jerry Sineneng, Kokoy de Santos, Beauty Gonzalez, Snooky Serna, at Gee Canlas.
Kabilang din sa star-studded cast ng House of Lies ang aktor na si Luis Alandy.
Talaga namang all-out ang kulitan nina Beauty Gonzalez, Mike Tan, Martin del Rosario, at Kris Bernal sa set ng 'House of Lies.'
Meet Mrs. Marj Torrecampo (Beauty Gonzalez) at ang kanyang loving brother na si Jobert (Kokoy de Santos).
Nag-e-enjoy rin sa taping ng 'House of Lies' ang batikang aktres na si Snooky Serna.
Pause muna sa away mag-asawa sina Paolo at Marj, ang mga karakter nina Mike Tan at Beauty Gonzalez sa House of Lies.
Very sweet naman pala sa isa't isa sina Edward at Thea (Martin del Rosario at Kris Bernal).
Friendship goals sina Gee Canlas at Beauty Gonzalez bilang sina Hannah at Marj sa House of Lies.
Palalim nang palalim ang samahan o closeness ng lead stars sa serye na sina Mike Tan, Beauty Gonzalez, Kris Bernal, at Martin Del Rosario.
Throwback muna sa sweetness nina Thea (Kris Bernal) at Edward (Martin del Rosario).
Picture ni Paolo (Mike Tan) bago masuntok ng kanyang asawa na si Marj (Beauty Gonzalez).
Sa likod ng sabunutan at sakitan sa pool fight scene nina Marj (Beauty Gonzalez) at Thea (Kris Bernal) ay ang kanilang kulitan at tawanan.
May sweet bonding moment sa set ng House of Lies ang half-sisters sa serye na sina Jasmine (Kayla Davies) at Ashley (Angel Cadao).
Pagkatapos ng intense na eksena, nag-group picture sa swimming pool sina Edward (Martin Del Rosario), Thea (Kris Bernal), Marj (Beauty Gonzalez), at Paolo (Mike Tan).