Open 24/7: AL, makaiwas kaya sa tukso?

GMA Logo Open 24/7 episode on April 6

Photo Inside Page


Photos

Open 24/7 episode on April 6



Oh tukso, layuan mo ako!

Ito ang challenge para kay AL (Allen Ansay) this Saturday night dahil ang pinakamamahal niya na si Kitty (Sofia Pablo), may out-of-town trip kasama ang mga kaibigan.

Nangako si AL sa dalaga na kahit wala ito ay mananatili itong faithful sa kaniya.

Kaya naman ang Gen-Z crew, may maiisip na pustahan! Ang grupo nina Kokoy (Kimson Tan), Fred (Abed Green) at Mang Raul, naniniwala na titiklop sa pangako si AL.

Pero sina Bekbek (Riel Lomadilla), Doe (Bruce Roeland), at Andoy (Anjay Anson), buo ang suporta kay AL na faithful ito kay Kitty.

Sino sa dalawang grupo ang mananalo sa pusta?

Magawa kayang maging loyal ni AL lalo na at dumating ang magandang dalaga na si Marina?

Tuloy-tuloy ang paghahatid ng matinding tawanan ng Open 24/7 lalo na at makakasama natin sina Pauline Mendoza at Saviour Ramos.

Heto ang pasilip sa funny new-episode ng Open 24/7, ngayong April 6 sa oras na 9:15 p.m., pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman) .


Kitty's trip
Marina
AL
Feelings
Guest

Around GMA

Around GMA

Eman Pacquiao, naghahanda sa pagsasanay para sa kaniyang laban sa Pebrero 2026
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.