Maging happy kaya si Doe sa pagbisita ng isang kamag-anak niya sa episode ng 'Open 24/7' ngayong Sabado ng gabi. (Bruce Roeland)?
Makikilala na ng team ni Boss E.Z. (Vic Sotto) ang ate ng guwapong binata na si Daisy (Denise Barbacena).
Ulirang kapatid si Ate Daisy na siyang nagpalaki sa ating “orb” habang nagtatrabaho sa barko ang kanilang nanay.
Pero mukhang maasiwa si Doe kay Daisy na palaging nakaaligid sa kaniya at kung tawagin siya nito sa palayaw niya na 'Abudingding' sa harap pa mismo ng mga kaibigan niya.
Magkaroon kaya ng lamat ang relasyon ng magkapatid?
Tutukan ang mangyayari sa paboritong sitcom ng bayan na Open 24/7 sa oras na 9:30 p.m., pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman) ngayong May 18.
Gaganap bilang Ate Daisy sa 'Open 24/7' ang actress-comedienne na si Denise Barbacena. Maging happy kaya ang reunion nina Daisy at baby brother niya na si Doe?
Kahit isang certified hunk na si Doe, para kay Daisy, mananatili siya bilang kaniyang 'Abudingding.'
Ano kaya ang magiging reaksyon ng crew ni Boss E.Z. sa pagdating ni Ate Daisy?
Ready kaya si Doe sa aabutin na pang-aasar mula sa kaniyang mga 'orb' sa kung paano siya itrato ng Ate Daisy niya?
Yayain ang buong pamilya at manoood ng 'Open 24/7' sa Sabado, pagkatapos ng '#MPK' sa oras na 9:30 p.m.