Open 24/7: Bagong business venture ni Boss Spark

Mukhang bukod sa convenience store business, may bagong business na papasukin si Spark (Jose Manalo) ngayong Sabado ng gabi (November 25)!
Magugulat sina Boss E.Z. (Vic Sotto) at Mikaela (Maja Salvador) na nagkusa ang tatay ni Kitty (Sofia Pablo) na magtayo ng isang rice selling operation sa Open 24/7 convenience store.
Maging key kaya ito sa mas lalong paglago ng negosyo nina E.Z. at Spark o baka magdulot lang ito nang sandamakmak na problema sa magkapatid?
Extra special din ang all-new episode ng sitcom ni Bossing dahil special guest natin this week ang Sparkle actress na si Thea Tolentino!
Related Gallery: Past roles of Thea Tolentino
Hatid ng Open 24/7 ang best weekend ever sa atin, kaya nood na tuwing Sabado Star Power sa gabi pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman) sa oras na 9:15 pm.





