Open 24/7: Christmas surprise ni Boss E.Z.

Abala si Boss E.Z. (Vic Sotto) ngayong Holiday season para sa Noche Buena surprise niya sa kanyang crew sa Open 24/7 convenience store.
Pero, ano kaya ang magiging reaksyon niya kung malaman niyang may iba palang lakad ang kaniyang mga kasama?
Sa Christmas episode ng Open 24/7 ngayong Sabado ng gabi, nagre-ready si E.Z. para sorpresahin ang kaniyang mga empleyado ng isang bonggang handaan with matching gifts pa.
Kaso, ang kapatid niya na si Spark (Jose Manalo), nag-suggest na mag-outing silang lahat!
Mauuwi kaya sa wala ang surprise ni Boss E.Z.?
Heto ang paunang silip sa all-new episode ng Open 24/7, pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman) sa oras na 9:15 pm ngayong December 23.





