Open 24/7: Dream, believe, survive Kitty!

Dadaan sa matinding training si Kitty (Sofia Pablo) sa kamay ng kaniyang talent manager na si Bekbek (Riel Lomadilla) sa Saturday episode ng 'Open 24/7.'
Maghahanda ang anak ni Spark (Jose Manalo) para sumali sa isang talent search competition at upang tulungan ito, ie-excuse niya sina Fred (Abed Green) at Kokoy (Kimson Tan) sa kanilang mga trabaho para samahan si Kitty sa kaniyang preparasyon.
Magtagumpay kaya si Kitty sa sasalihan na talent show?
Paano makaka-apekto ang kakulangan ng staff sa trabaho ni Mike (Maja Salvador) bilang supervisor ng convenience store?
Heto ang pasilip sa kulit episode ng 'Open 24/7' sa GMA Sabado Star Power sa gabi, 10:00 p.m. ngayong October 7.





