Open 24/7: Fred, mabibiktima ng modus ng magandang chatmate!

Mag-ingat sa online scam!
Ito ang magiging problema ng moreno hottie na si Fred (Abed Green), dahil isang magandang dalaga na magiging chatmate niya ang mamba-blackmail sa kaniya.
Nakuha kasi ng scammer ang sexy photos ni Fred at kung hindi ito magbabayad, ikakalat daw ng babae ang kaniyang mga larawan.
Matulungan kaya siya ni Boss E.Z. (Vic Sotto) at ng mga “orb” para mapigilan ang masamang plano ng scammer?
Todo ang tawanan this Saturday night, dahil makakasama natin sina Roxie Smith at Kitkat sa all-new episode ng 'Open 24/7', pagkatapos ng '#MPK (Magpakailanman)' ngayong January 20.



