Open 24/7: Idol ko noon, karibal na ngayon!

May mangyayaring laban for Ma'am Kitty's (Sofia Pablo) attention sa 'Open 24/7' ngayong Sabado ng gabi.
Bibisita sa convenience store ni Boss E.Z. (Vic Sotto) ang dating child star na si Felix Santillan (Vince Maristela).
Idol ni AL (Allen Ansay) ang guwapong binata at tuwang-tuwa na makita ang celebrity.
Pero magiging mapait yata ang encounter ni AL sa paborito niyang artista lalo na kung kaagaw na niya ito sa atensyon kay Kitty.
May laban kaya ang “orb” natin kontra sa isang celebrity hunk?
Tutukan ang tawanan sa paboritong sitcom ng bayan na Open 24/7 sa oras na 9:15 p.m., pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman) ngayong May 4.




