May mangyayaring laban for Ma'am Kitty's (Sofia Pablo) attention sa 'Open 24/7' ngayong Sabado ng gabi.
Bibisita sa convenience store ni Boss E.Z. (Vic Sotto) ang dating child star na si Felix Santillan (Vince Maristela).
Idol ni AL (Allen Ansay) ang guwapong binata at tuwang-tuwa na makita ang celebrity.
Pero magiging mapait yata ang encounter ni AL sa paborito niyang artista lalo na kung kaagaw na niya ito sa atensyon kay Kitty.
May laban kaya ang “orb” natin kontra sa isang celebrity hunk?
Tutukan ang tawanan sa paboritong sitcom ng bayan na Open 24/7 sa oras na 9:15 p.m., pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman) ngayong May 4.
May celebrity sighting sa 'Open 24/7' convenience store dahil bibista ang dating child star na si Felix Santillan
AL meets his idol! Maging best friend kaya ni AL ang celebrity visitor?
Uy, mukhang extra sweet si Felix kay Ma'am Kitty. Paano na ang panliligaw ni AL sa anak ni Spark (Jose Manalo)?
Ang kapatid naman ni EZ, magogoyo sa isang business transaction matapos bumili ng ma-e-expire na mga lotion. Tiyak sasakit na naman ang ulo ni Boss EZ sa dalang problema ni Spark!
Dadaan kaya si AL sa heartbroken era niya lalo na at may umaaligid na guwapo kay Kitty?
Alamin ang mangyayari sa love story ng dalawa sa 'Open 24/7' ngayong May 4 sa oras na 9:15 p.m.