Open 24/7: Jerico, makikita ang nililigawan niya noon na si Mikaela

May unexpected na reunion ang mangyayari sa Open 24/7 ngayong Sabado, September 16.
Makikita muli ni Mikaela (Maja Salvador) ang masugid niya na manliligaw noon na si Jerico (Empoy) na nag-apply bilang security guard sa convenience store nina Boss E.Z. (Vic Sotto) at Spark (Jose Manalo)
Ito na ba ang pagkakataon ni Jerico na mapasagot ang pretty cashier?
Ano kaya ang maiisip niyang plano para finally mapaibig niya si Mikaela?
Heto ang mga aabangan na eksena sa Open 24/7 sa Sabado Star Power sa gabi (September 16) sa oras na 9:30 pm.




