Time to let go na ba para kay AL (Allen Ansay) lalo na at may planong papuntahin ni Spark (Jose Manalo) si Kitty (Sofia Pablo) sa Amerika?
Bubuhos ang emosyon sa episode ng 'Open 24/7' ngayong Sabado ng gabi dahil sa plano ni Spark (Jose Manalo) na makipag-ugnayan sa dati niyang ka-partner para sa future ng anak.
Malulungkot si Boss E.Z. (Vic Sotto) sa plano ng kapatid na ipadala si Kitty sa ibang bansa.
Pero mas madudurog ang puso ni AL na mawawalay sa kaniya ang pinakamamahal niyang babae!
Dito na ba matatapos ang relasyon nina AL at Kitty?
Heto ang ilan sa aabangang eksena sa episode ng 'Open 24/7' sa oras na 9:30 p.m., pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman) ngayong May 25!
Napagdesisyunan ni Spark na kausapin ang estranged partner niya para sa plano nito na papuntahin si Kitty sa Amerika.
Mababalot ng lungkot si E.Z. nang malaman ito mismo sa kapatid, peronirerespeto niya ito dahil para ito sa future ng pamangkin.
Ano kaya ang magiging reaksyon ni Kitty sa plano ng kaniyang daddy?
Handa na kaya si Ma'am Kitty sa big change na ito?
Pero magiging masakit para kay AL kapag nalaman nito ang kagustuhan ni Spark na tumira si Kitty sa US.
Mga “orb” ni AL, may gagawin para hindi matuloy si Kitty sa ibang bansa. Ito kaya ang makakatulong sa binata o magpapalala pa ng gulo?
Piliing mag-relax ngayong Sabado sa panonood ng fun moments ng 'Open 24/7', pagkatapos ng '#MPK' ngayong May 25.