Open 24/7: Kokoy, ghinost si Shaira?

GMA Logo open 247 recap

Photo Inside Page


Photos

open 247 recap



Naku, lagot ang isang sa crew member ni Boss EZ (Vic Sotto) na maakusahan nang-“ghosting” sa upcoming episode ng Open 24/7 ngayong June 10.

Matapos ang successful grand opening ng Open 24/7 convenience store napansin ni Boss EZ na kokonti na lang ang kanilang customers.

Makakaisip ang boss ni Mike (Maja Salvador) na mamigay ng leaflets, pero mukhang sablay ang plano. Kaya sasaklolo ito kay EZ at sa tulong ng buong crew ng convenience store maiisip nil ana mag-hire ng isang vlogger para tulungan silang mag-promote- ito ay walang iba kundi si Shaira (Shaira Diaz)!

'Yun nga lang magiging awkward ang situation, dahil makikita ni Shaira ang chinito heartthrob na si Kokoy (Kimson Tan)- ang lalaking nang ghosting sa kaniya noon.

Magawa kaya ng pretty vlogger na i-separate ang nararamdaman niyang issue para matulungan si Boss EZ sa kaniyang business problem o tuluyan na lamang siya mag-back out para iwasan na si Kokoy?

Sundan ang mangyayari sa unli-tawanan na hatid ng crew ni Boss EZ sa Open 24/7 ngayong June 10, pagkatapos ng #MPK (Magpakailanman) sa oras na 9:15 p.m..


Boss EZ
Spark
Shaira
Kokoy
Past
June 10

Around GMA

Around GMA

Princess Aaliyah to Fred Moser: 'Kung sinabi kong friends lang muna?'
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve