Open 24/7: Magpagpag tayo beshy!

Buhos ang customers na pumupunta sa convenience store nina Boss E.Z. (Vic Sotto) at Spark (Jose Manalo) ngayong Sabado, July 22.
Pero tila nakakikilabot ang dahilan ng pagdagsa ng mga tao! Sa 24/7 convenience store kasi sila nagpapagpag matapos dumalaw sa lamay ng mga namatay.
Mababalot tuloy ng takot ang crew ni Spark. Dahil dito, iisip siya ng paraan para maitaboy ang isipirto na maaring manatili sa kanilang store.
Pero may mas nakakikilabot kay E.Z. na tiyak magpapataas ng balahibo n'yo ngayong Sabado! Multo nga ba ang makikita ng kapatid ni Spark?
Silipin ang exciting new episode ng 'Open 24/7', na mapapanood ngayong July 22, 9:30 p.m., pagkatapos ng '#MPK' (Magpakailanman).




