Open 24/7: Monster Spark

Problemado sina Kokoy (Kimson Tan), Fred (Abed Green) at Doe (Bruce Roeland), dahil madadawit sila sa isang gulo.
Hindi alam ng Gen-Z crew ni Boss E.Z. (Vic Sotto), kung paano sila lalaban sa mga kaaway nila. Kaya maiisip ni Andoy (Anjay Anson) na gumawa ng potion para sa mga kaibigan na magpapalakas sa kanila.
Pero sa halip na sila ang gumamit, maiinom ito ni Spark (Jose Manalo) at magkakaroon siya ng superhuman strength!
Magkakaroon din ng alter ego ang tatay ni Kitty (Sofia Pablo) na nagiging halimaw sa oras na siya ay nagagalit!
Paano maayos ng mga “orb” ang “monster transformation” ni Boss Spark?
Ano ang magiging reaksyon ni E.Z. sa potion na ginawa ng kaniyang crew?
Heto ang pasilip sa kulit episode ng Open 24/7 ngayong Sabado ng gabi (January 27)!





