News

OPM artist na si Hev Abi, arestado sa Quezon City

GMA Logo Mika Salamanca at KC Montero
PHOTO SOURCE: Hev Abi (Facebook)

Photo Inside Page


Photos

Mika Salamanca at KC Montero



Naaresto ang OPM artist na si Hev Abi, o Gabriel Abilla, noong Martes ng umaga, April 14.

Ito ay ayon sa ulat ng Philippine National Police - Criminal Investigation and Detection Group o CIDG nitong Huwebes, April 16.

Batay sa police report, nahuli ang 24-anyos na rapper, kasama ang anim pang indibidwal, sa isinagawang Oplan Paglalansag Omega sa Barangay Laging Handa, Diliman.

PHOTO SOURCE: Hev Abi (Facebook)

Isinasagawa umano ng pulisya ang search operation kaugnay ng paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nakumpiska sa operasyon ang isang Taurus G3 9mm pistol, isang magazine, at 15 rounds ng live ammunition. Ang mga nasabing ebidensya ay naitala at minarkahan sa mismong lugar ng insidente.

Samantala, tingnan ang ilang celebrities na nabilanggo sa gallery na ito:


Robin Padilla
Billy Crawford
Ethel Booba
Matt Evans
Krista Miller
Deniece Cornejo
Karen Bordador
Mocha Girls
Mark Anthony Fernandez
Bong Alvarez
Chris Cayzer
Anton Bernardo
Dennis Roldan
Sabrina M
Dolphy Jr.
Ronald Singson
Baron Geisler
Jiro Manio
Mika Salamanca
More Galleries

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
Fish prices drop in Dagupan amid rise in supply
TIMELINE: US-Iran peace negotiations since fighting erupted in February 2026