OPM folk singer na si Coritha, pumanaw na

Pumanaw na ang OPM folk singer na si Coritha.
Si Coritha o Socorro Avelino ay pumanaw na sa edad na 73 years old.
Nakilala si Coritha sa mga kantang "Sierra Madre" at "Oras Na"
PHOTO SOURCE: YouTube: GMA Integrated News
Kinumpirma ng partner ni Coritha na si Chito Santos, ang pagpanaw ng OPM singer sa interview ni Julius Babao. Ayon kay Chito, binawian ng buhay si Coritha 7:50 p.m. noong Biyernes (September 27).
Saad ni Chito, "Mabuti na 'yung ganito kaysa makita kong nahihirapan siya... Sobrang hirap na, ang payat payat."
Pag-amin ni Chito hindi niya na kayang makitang nahihirapan si Coritha.
"Hindi ko na kaya e. Hindi ko na kayang tiisin."
Inilahad sa interview ni Chito na nagdesisyon silang ipa-cremate si Coritha.
Ayon sa balita, naging bedridden si Coritha pagkatapos niyang ma-stroke.
Sa huling bahagi ng interview kay Chito ay nagpasalamat siya sa mga sumuporta kay Coritha hanggang sa kaniyang huling sandali.
RELATED GALLERY: The '90s and early '2000s heartthrobs that we sorely miss:













