Padre Salvi, nasa labas ng PBB house?

GMA Logo Padre Salvi at PBB house
Photo by: juanchotrivino IG

Photo Inside Page


Photos

Padre Salvi at PBB house



Tila hindi talaga malilimutan ng marami ang iconic na karakter ni Juancho Trivino bilang na si Padre Salvi mula sa hit series na Maria Clara at Ibarra.

Kamakailan, muling napatawa ng aktor ang netizens matapos i-post ang isang edited photo sa kaniyang Instagram. Makikita siyang naka-costume bilang Padre Salvi na may hawak pang hanger at tila nasa labas ng Bahay ni Kuya ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

"Balita ko may nanggugulo dito ngayon ah…" ani Juancho sa caption, na agad namang ikinatuwa ng kaniyang followers.

Ang naturang post ay agad pinag-usapan sa iba't ibang social media platforms. Marami ang natawa sa ideyang papasukin si Padre Salvi sa PBB house, lalo na't nandoon din ang Pambansang Ginoo na si David Licauco, na gumanap bilang Fidel sa Maria Clara at Ibarra.

Matatandaang si Padre Salvi ang isa sa mga kilalang kontrabida sa 2022 hit GMA series na Maria Clara at Ibarra. Mas lalong sumikat ang karakter sa mga viral na videos kung saan makikitang umiikot si Padre Salvi sa modernong Maynila.

Samantala, mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Bahay ni Kuya sa All-Access Livestream ng programa sa GMANetwork.com Full Episodes.

BALIKAN ANG BEHIND-THE-SCENE PHOTOS MULA SA SET NG MARIA CLARA AT IBARRA DITO


Main cast
Production team
Camera crew
Drone
Crisostomo Ibarra
Kapitan Heneral
Basilio
Ang batang Basilio
Sisa
Overhead shot
High angle
Ave Maria
Sa Dampa
Team Maria Clara at Ibarra
Tahimik sa set
Phone camera
Ibarra
Sa Tulay
San Agustin Church
Pam Miras

Around GMA

Around GMA

Travelers head out for Christmas break
Holiday exodus in W. Visayas, Negros Occ starts
Christmas gift ideas for your girl besties