Pagkabunyag ng sakit na alopecia ni Margaret, may 4.5M views na in less than 24 hours!

GMA Logo rhian ramos on royal blood

Photo Inside Page


Photos

rhian ramos on royal blood



Ikinagulat ng Royal Blood viewers ang bagong sikretong nabunyag tungkol kay Margaret--ang pagkakaroon niya ng sakit na alopecia, kung saan nalalagas ang buhok nito.

Sa episode 55 ng Royal Blood na napanood noong Biyernes, September 1, nalantad sa lahat ng mga tao sa mansyon ang sakit na itinatago ni Margaret (Rhian Ramos) matapos sila muling magkasagutan at magkapisikalan ni Beatrice (Lianne Valentin) dahil sa secret affair ng huli kay Andrew (Dion Ignacio).

Sa loob lamang ng 17 hours, agad na umani ng 4.5 million views sa Facebook page ng GMA Drama ang clip ni Margaret kung saan nabunyag ang pagkakaroon niya ng sakit na alopecia.

Umani ng iba't ibang reaksyon mula sa manonood ang panibagong rebelasyon na ito sa Royal Blood kung saan, ani ng netizens, ramdam na ramdam nila ang sakit na nararamdaman ni Margaret.

Bukod sa pinag-usapan online, humataw rin sa ratings ang bagong rebelasyon na ito ng Royal Blood na umani ng 12.1 percent base sa Nutam People Ratings ng pinagkakatiwalaang market research firm na Nielsen Philippines.

Balikan ang maiinit na tagpong nangyari sa episode 55 ng Royal Blood sa gallery na ito:


Margaret
Alopecia
Hagulhol
Kahihiyan
Kristoff and Beatrice
Mapag-isa
Diana and Kristoff
Napoy and Beatrice
Paghahanap ni Beatrice kay Margaret
Pagpapakamatay ni Margaret
Royal Blood

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit