Pagmamahal ng isang ina, masusubukan dahil sa mga pasaway na anak sa '#MPK'

Maraming mga nanay ang makaka-relate sa brand new episode ng real life drama anthology na '#MPK' o 'Magpakailanman.'
Pinamagatang "Ina Ka ng Anak Mo," kuwento ito ni Lida, isang nanay na masusubukan ang pasensiya, pagmamahal, at katatagan dahil sa mga anak niyang madalas magdala ng problema sa kanilang buhay.
Lulong sa alak ang panganay niyang si Grace, habang mahilig sumama sa iba't ibang mga lalaki ang sumunod niyang anak na si Vicky.
Iisa naman ang boyfriend ng mas nakababata niyang mga anak na sina Pau at Angge kaya mag-aaway rin ang mga ito.
Supportive naman kay Lida ang asawa niyang si Natoy pero pati ito, nauubusan na ng pasensiya sa kanilang mga anak.
Magkakaroon kaya ng hangganan ang pagmamahal ni Lida sa kanyang mga anak?
Abangan 'yan sa brand new episode na "Ina Ka ng Anak Mo," September 23, 8:15 p.m. sa '#MPK.'
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network, at sa Facebook at TikTok accounts ng '#MPK.'
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






