Meet Rico Yan's nephew, Alfonso 'Alfy' Yan-Tueres

Muling nagte-trending ngayon sa social media ang mga larawan ni Alfonso Yan-Tueres na pamangkin ng late matinee idol na si Rico Yan.
Ayon sa mga netizens, tila carbon copy talaga ng yumaong si Rico ang kaniyang pamangkin na si Alfonso o kilala rin bilang si Alfy.
Sa short-video streaming app na TikTok, iba't ibang content ang lumalabas tungkol kay Rico. Kasunod nito, lumalabas na rin ngayon ang mga litrato ni Alfy na inihahambing sa kaniyang tiyuhin.
Noong 2020, lumabas ang mga balitang susundan na ni Alfy ang yapak ng kaniyang Tito Rico sa pagiging isang artista. Pero mukhang hindi ito natuloy at nag-focus muna si Alfy sa kaniyang pag-aaral at hilig sa sports.
Narito ang ilan sa mga larawaan ni Alfy na sinasabing kamukhang-kamukha ni Rico:









