Magpakailanman

Pamilya, masisira dahil sa sugal sa 'Magpakailanman'

GMA Logo Ang Huling Paalam

Photo Inside Page


Photos

Ang Huling Paalam



Napapanahon ang bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.

Pinamagatang "Ang Huling Paalam," tungkol ito sa isang pamilya na masisira dahil sa sugal.

Masipag sa trabaho ang mag-asawang sina Steve at Joan dahil unti-unti silang nag-iipon para bumbuo ng sarili nilang pamilya.

Pero malululong si Steve sa sugal at makailang beses na lulustayin ang pera nilang mag-asawa.

Nanantiling namang maunawain si Joan at hihikayating magpasuri sa mental health professionals ang kaniyang asawa para matugunan ang gambling addiction nito.

Tuluyan na bang masisira ang mga pangarap nina Steve at Joan dahil sa sugal?

Abangan ang brand-new episode na "Ang Huling Paalam," October 18, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:


Royce Cabrera
Rita Daniela
Family
Gambling
Help
Addiction
Ang Huling Paalam

Around GMA

Around GMA

15-anyos nga dalagita, napalgang patay | One Mindanao
Ombudsman, nagsampa ng kasong malversation at graft laban kay Bong Revilla at 6 na iba pa
Gabbi Garcia's photos from 2016 that prove she is a true it girl