Pancho Magno, nahirapang sagutin kung in love pa siya kay Max Collins

Kapansin-pansin pa rin ang closeness at sweetness ng dating mag-asawa na sina Pancho Magno at Max Collins matapos ang ilang taon nilang paghihiwalay.
Kaya naman, mapangahas na tanong ni King of Talk Boy Abunda sa aktor, “Are you still in love with Max?”
Sa pagbisita ni Pancho, kasama ang kaniyang Cruz VS Cruz co-star na si Neil Ryan Sese, sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, July 29, kinamusta ng batikang host ang lagay ng relasyon ngayon ng aktor kay Max.
Ayon kay Pancho, okay naman sila ng kaniyang dating asawa. Pero sa ngayon, focused lang sila sa pagko-co-parent sa anak nilang si Skye. Ngunit nang tanungin siya ni Boy kung in a relationship ba siya or dating, sinabi ng aktor na hindi.
Dito, pinansin na ng batikang host na tila may pagmamahal pa si Pancho kay Max.
Sagot ng aktor, “Because Max and I started talaga na, of course, we're both Christians, so 'yung foundation namin, 'yung love and respect, kahit sabihin mo nang may mga arguments. Anyway, 'yung love na 'yun, siyempre, 'yung friendship namin.”
Ilang ulit sinubukan tanungin ni Boy si Pancho kung meron pa ba itong romantic love para kay Max, ngunit umiiwas lang ito, at sinasabing bilang kaibigan at best friend ay oo, meron pa itong pagmamahal sa dating asawa.
Kaya naman, deretsahan na siyang tinanong ni Boy, “Are you still in love with Max?”
Ang sagot ni Pancho, “Hindi siya ganu'n kadali.”
Pagdating naman sa anak nilang si Skye, sinabi ni Pancho na patuloy pa rin ang co-parenting nila ni Max. Sa katunayan, sa nagdaang moving up ceremony nito sa eskwelahan, ay magkasama sila.
“I'm not saying it's perfect, but at least we're trying every day kasi 'yung love and respect naman, never mawawala 'yan,” sabi ni Pancho.
Inamin din ng aktor na unti-unti na nilang sinasabi kay Skye ang sitwasyon ng relasyon nila ni Max, lalo na at nagtatanong na rin ang kanilang anak.
“Sabi nga niya, 'Dad, if you can put your house on top of mom's house.' He's very smart so parang sinasabi ko na lang, like gradually, na 'Mommy's working, daddy's working, so if mommy's working you're with me,'” pag-alala ni Pancho.
BALIKAN KUNG PAANO ANG CO-PARENTING SETUP NINA PANCHO AT MAX PARA SA ANAK NILANG SI SKYE DITO:









