Pangarap ni Jo Berry na maging isang abogada, matutupad na!

Bibida ang Kapuso star na si Jo Berry sa upcoming legal drama serye na 'Lilet Matias: Attorney-at-Law.'
Sa story conference ng naturang serye ay ibinahagi ni Jo kung gaano siya kasaya nang malaman niyang siya ang gaganap sa karakter ni Lilet Matias, ang maliit ngunit mabagsik na abogada na may malaking pangarap para sa mga naaapi.
Aniya, "Yung papa ko po talaga 'yung may pangarap na maging lawyer ako and nasabi ko talaga sa kanya na 'ito na yun pa' Sisimulan ko na agad ngayon pero sa role lang muna. Nandun pa rin naman po 'yung kagustuhan ko na maging lawyer in real life pero nauna lang talaga yung role ngayon."
Binanggit din ng Sparkle star na may plano pa rin siyang tuparin ang kanyang pangarap na maging isang abogada sa totoong buhay.
"Naalala ko, bata pa lang ako, number one na siya sa gusto kong gawin nung nag-aaral pa lang ako and alam ko na 'yun 'yung gusto ng papa ko for me so hindi talaga siya nawawala. Pagsisikapan ko pa rin pong maabot. Alam kong mahaba-haba pa 'yung pagdadaanan pero hindi po siya nawawala nandun pa rin po siya sa goals ko," saad niya.
Makakasama ni Jo Berry sa legal drama serye ang award-winning young actor na si Joaquin Domagoso, Sparkle beauties na sina Zonia Mejia at Hannah Arguelles, mga batikang aktres na sina Sheryl Cruz, Glenda Garcia, at Teresa Loyzaga, Sparkle heartthrobs na sina Jason Abalos at EA Guzman, at komedyante na si Ariel Villasanta.
SAMANTALA, BALIKAN ANG MGA HINDI MALILIMUTANG KARAKTER NA GINAMPANAN NI JO BERRY SA GALLERY NA ITO:















