Paolo Contis, binalikan ang mga natutunan noon bilang isang aktor

Maituturing na isa sa mga pinakamagagaling na aktor ang Bubble Gang mainstay na si Paolo Contis dahil sa mahabang panahon niya bilang isang aktor. Mula sa pagiging isang child star hanggang sa magbinata at ngayon nga ay beteranong aktor na. Ano nga nga ba ang natutunan ng Kapuso actor sa mahabang panahon niya bilang isang aktor?
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, December 2, ibinahagi ni Paolo kung gaano karami ng kaalaman niya ay natutunan niya lang, at gaano karami ang masasabi niyang inborn.
Sagot ng aktor, “I think ang inborn lang siguro sa akin, 'yung kapal ng mukha siguro. I wasn't scared of the camera, talagang when I was young, hindi ako pinilit, gusto ko talaga, gusto kong matuto. And then 'learned' is 90 percent 'yan, tingin ko.”
Pag-amin ni Paolo, hanggang ngayon ay nasa proseso pa rin siya ng learning para mapabuti ang sarili bilang isang aktor.
Tingnan ang pagbabalik tanaw ni Paolo ng kaniyang kaalaman bilang isang aktor sa gallery na ito:









