Paolo Contis, muling naka-bonding ang mga anak na sina Xonia and Xalene

Masayang ibinahagi ni Paolo Contis na muli niyang nakapiling ang mga anak na sina Xonia at Xalene sa Cebu.
Si Xonia at Xalene ay mga anak ni Paolo at ng kaniyang ex-partner na si Lian Paz.
Sa panibagong Paolo sa Instagram ay inihayag niya ang pagpapasalamat kay Lian at sa asawa na si John Cabahug.
Saad ni Paolo, "My heart is full.. thank you @johncabahug87 and @liankatrina for a wonderful day! Staying at @enchantedmountain.cebu was great, but being with your whole family was the best! Thank you for being such a wonderful host! I am speechless! God is great! "
Nag-iwan naman ng mensahe si Lian sa post ni Paolo, "Maraming kwento pero ang pinaka magandang kwento ay ang pagpapatawad, Only by the grace of God! Not of our own efforts and time, It is by God's Grace alone "







