Paolo Contis, naging espesyal ang holidays kasama ang mga anak, sina Lian Paz at John Cabahug

Mas espesyal ang nagdaang holidays para sa Bubble Gang mainstay na si Paolo Contis matapos niyang ipagdiwang ito kasama ang dalawang anak na sina Xalene at Xonia. Naging extra special pa ito dahil nakasama din niya ang dating asawa na si Lian Paz, at asawa nito ngayon na si John Cabahug.
Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Paolo ang kanilang selebrasyon sa isang resort. Sa ilang litrato na pinost ng aktor, makikitang in-enjoy nila ang paglangoy nang magkakasama at masarap na boodle fight habang nakabakasyon.
Caption ng aktor sa kaniyang post, “A very well spent holiday… kasama ang aking pamilya sa Manila at sa Cebu! mahal ko kayong lahat! ”
Matatandaan na noong Agosto nang unang makasama muli ni Paolo ang mga anak. Kaya naman, malaki ang pasasalamat niya kina Lian at John na pinayagan siya ng mga ito.
Tingnan ang extra special holiday celebration ni Paolo kasama ang kaniyang mga anak, si Lian, si John, at ilan pang mahahalagang tao sa gallery na ito:









