Paolo Contis reunites with former co-stars Patrick Garcia and John Lloyd Cruz

GMA Logo Paolo Contis Patrick Garcia and John Lloyd Cruz

Photo Inside Page


Photos

Paolo Contis Patrick Garcia and John Lloyd Cruz



Trending sa social media ang recent reunion ng male actors na sina Paolo Contis, Patrick Garcia, at John Lloyd Cruz.

Sa Instagram, makikita ang mga larawan nina Paolo, Patrick, at John Lloyd habang sila ay magkakasama sa isang restaurant.

Mababasa sa simpleng caption ni Paolo sa kaniyang post, “2025.”

Sa comments section, bumuhos ang iba't-ibang reaksyon ng netizens tungkol sa mini reunion ng tatlong aktor.

Karamihan sa napa-react dito ay ang kanilang fans na talaga namang noon pa nakasubaybay sa mga proyekto nila mapa-telebisyon man o pelikula.

Ilan sa mga tagahanga nila ay umaasang magkakaroon ng bagong palabas, kung saan magkakasama muli ang mga aktor.

Sina Paolo, Patrick, at John Lloyd ay former co-stars sa '90s TV series na Tabing Ilog.

Matatandaang noong 2024, nagkasama sa pelikulang A Journey sina Paolo, Patrick, at aktres na si Kaye Abad, na kasama rin nila sa dating serye.

Bukod sa mga nabanggit na aktor, parte rin ng cast ng Tabing Ilog sina Baron Geisler, Desiree Del Valle, Jodi Sta. Maria, at iba pa.

SAMANTALA, TINGNAN ANG ILANG '90S HEARTHROBS SA IBABA


Dingdong Dantes
Paolo Contis
Patrick Garcia
Marvin Agustin
Bobby Andrews
John Lloyd Cruz
Carlo Aquino
Stefano Mori
Mark Anthony Fernandez
Jomari Yllana
Eric Fructuoso
Jao Mapa
Baron Geisler
Red Sternberg
Onemig Bondoc
Diether Ocampo
Jericho Rosales
John Prats
Rico Yan

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi | December 19, 2025
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories