Pari, titiwalag sa simbahan sa 'Magpakailanman'

Isang maselang kuwento tungkol sa pananampalataya ang tampok sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Pinamagatang "Ang Paring Tumiwalag," kuwento ito ng pagsubok sa bokasyon ng isang kura paroko.
Minamahal at respetadong parish priest si Father Henry (Tom Rodriguez).
Magbabago ang buhay niya nang makilala niya si Clarisse (Ashley Ortega), volunteer sa kanilang youth ministry.
Masaya si Father Henry na magsilbi sa simbahan at sa Panginoon, pero hindi rin niya mapigilan ang pagmamahal kay Clarisse.
Matatanggap ba ng parokya kung magbunga ang ugnayan nina Father Henry at Clarisse?
Abangan ang brand-new episode na "Ang Paring Tumiwalag," October 11, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






