Pasabog na hearing, mangyayari na ngayong Linggo!

Nagulantang ang publiko kahapon (September 8) sa explosive Senate hearing kung saan nabulgar ang modus diumano kung saan nakakakuha ng "kickback" ang ilang lawmakers at opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kaugnay ng mga flood control project.
Kaya kung pasabog ang unang araw ng Linggong ito, sisiguraduhin ng Pambansang Comedy show na Bubble Gang na mas epic ang pagtatapos ng weekend n'yo with a funny episode.
May pasilip na ang programa sa special episode nila ngayong September 14 at base sa caption ng kanilang video post ay “Hindi pa tapos ang hearing.”
Samantala, ang award-winning comedy actor na si Paolo Contis, may patikim din sa bagong karakter ni Michael V. na tiyak aabangan n'yo sa Bubble Gang!
Does she look familiar, mga Ka-Bubble?
Kaya huwag nang umalis ng bahay at nood na ng Bubble Gang ngayong September 14 sa oras na 6:15 p.m., pagkatapos ng 24 Oras Weekend.
RELATED CONTENT: MICHAEL V.'S ICONIC CHARACTERS














