Pasaway na anghel, ipapadala sa lupa sa 'Regal Studio Presents: Angel on My Shoulder'

Abot-langit ang kilig sa bagong episode ng weekly anthology series Regal Studio Presents.
Pinamagatang "Angel on My Shoulder," kuwento ito ng anghel na si Aileen na ipapadala sa lupa.
Kailangan muna niyang matutunang unawain ang mga taong nasa pangangalaga niya bago siya makabalik sa langit.
Makikilala niya sa lupa si Maki, hopeless romantic at may ari ng isang maliit na tapsilog business.
Patutuluyin ni Maki si Aileen sa kanyang bahay at bibigyan pa ng trabaho sa tapsihan.
May matututunan ba si Aileen kay Maki? Ito na ba ang paraan para makabalik siya sa heaven?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "Angel on My Shoulder," November 10, 4:15 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari din itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:






